-- Advertisements --

Isinumite na ng Gilas Pilipinas ang 12-man player provisional list na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ang nasabing listahan ay ipinasa na ng Philippine Olympic Committee sa Cambodia Southeast Asian Games Organizing Committee (Camsoc).

Nanguna sa listahan si naturalized player Justin Brownlee, Scottie Thompson, CJ Perez, Christian Stanhardinger, Calvi Oftana, Brandon Ganuelas-Rosser, Marcio Lassiter, Arvin Tolentino, Chris Newsome at Mason Amos.

Nasa provisionary list naman sina Japeth Aguilar at Roger Pogoy na unang tinanggal sa listahan dahil sa injury.

Paglilinaw ng POC na isasapinal nila ang listahan sa team managers meeting na gaganapin bago ang pagbubukas ng SEA Games mens’ basketball 5-on-5 tournament sa darating na Mayo 9.

Target ng Gilas na mabawi ang titulo matapos na masulot ito ng Indonesia sa SEA Games noong nakaraang taon na ginanap sa Vietnam.