-- Advertisements --

Gumagawa na ng hakbang si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes para matugunan ang ilang mga pagkukulang ng koponan sa pagsabak nila sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Aminado kasi si Reyes na nagkakaroon sila ng kakulangan sa manlalaro at kulang sa preparasyon kaya kanilang tinutugunan ito.

Nitong Miyerkules lamang kasi ay nagsagawa sila ng full practice mahigit isang linggo bago ang SEA Games.

Ilang mga hamon ngayon na kinakaharap ng men’s national basketball team ay ang kakulangan ng mga manlalaro.

Tumanggi na kasing sumali sa Gilas dahil sa personal na rason sina Jamie Malonzo at MIkey Williams habang si June Mar Fajardo ay tinanggal sa listahan dahil hindi pa ito gumagaling sa injury ng kanilang tuhod.

Alanganin na ring makapaglaro sa national basketball squad si Scottie Thompson dahil sa nakatakda ng manganak ang kaniyang asawa.