-- Advertisements --

May mga adjustments ng nakita ang Gilas Pilipinas matapos na sila ay talunin ng Lithuania nitong Martes ng gabi 90-80.

Ang tune-up games ay ginanap sa Kaunas, Lithuania ay bilang paghahanda ng Gilas sa hosting ng bansa sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto.

Ito ang unang pagkatalo ng Gilas sa kampo ng Lithuania.

Sa nasabing laro ay mayroong 20 points ang naitala ni Justin Brownlee habang mayroong 14 points si Jamie Malonzo at 13 points naman si June Mar Fajardo.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakapaglaro si Ange Kouame matapos ang kaniyang pagtatapos sa Ateneo noong nakaraang araw.

Sinabi ni Gilas Coach Chot Reyes na may mga nakita itong dapat na isaayos na maaring ipatupad sa torneo sa buwan ng Agosto.