-- Advertisements --

Muling nagsagawa ng practice ang national team na Gilas Pilipinas kaninang umaga, bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa Asian Games.

Ito ay kasunod lamang ng nauna nilang practice kahapon, na dinaluhan ng kanilang 12-man roster.

Sa isinapublikong practice session ng Gilas, makikitang dumalo sina Stanley Pringle, Ange Kouame, Justin Brownlee, Chris Newsome, Mo Tautuaa, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Calvin Oftana, Scottie Thompson, at Jason Perkins.

Ang mga naturang players ay bahagi lamang ng 12-man pool na unang pinangalanan ni head coach Tim Cone na kanyang isasabak sa Asiad.

Nakatakdang ganapin ang Asian games o mas kilala bilang Asiad, sa China sa Setyembre 25.