-- Advertisements --
Magsasagawa ang tune-up games ang Gilas Pilipinas laban sa Korean Basketball League team na LG Sakers.
Isasagawa ang ensayo isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng Asian Games sa Setyembre 23 sa China.
Sinabi ni Gilas Pilipinas interim coach Tim Cone na magiging bukas sa publiko ang nasabing tune-up games.
Gaya aniya ng ginawa nitong Huwebes na binuksan nila sa publiko ang ensayo ng National Basketball team sa publiko.
Magsisimula ang laro ng Gilas sa Asian na makakaharap ang Bahrain sa ika-26 ng Setyembre.
Magugunitang inilabas na ni Cone ang mga final 12 kung saan kabilang si Stanley Pringle bilang pang-13 sakaling magkaroon ng injury ang isang manlalaro.