May ilang mga adjustments na ipapatupad ang Gilas Pilipinas sa pagharap nila sa Thailand ngayong umaga sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Sinabi Gilas coach Tim Cone na kaniyang napanood ang mga laro ng Thailand sa Southeast Asian Games at tiyak na isang hamon para sa Gilas ang makaharap sila.
Mas malakas ang Thailand kumpara sa tinalo nila nitong Martes na Bahrain kaya kailangan ang ibang mga pagbabago sa play na ipapatupad.
Ilan aniya sa mga manlalaro ng Thailand na kanilang babantayan ang sina Bruin Tler at Rondae Hollis-Jefferson na maglalaro na rin sa PBA sa susunod na season.
Gaganapin ang laban ng Gilas kontra Thailand dakong alas-11 ng umaga oras sa Pilipinas.
Matapos ang Thailand ay makakaharap ng Gilas ang Jordan sa Setyembre 30 dakong 5:30 ng hapon.