-- Advertisements --
Ibinahagi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga tune-up games sa ibang mga bansa.
Sinabi ni Reyes na sa nasabing paraan ay mapapabuti ang galing ng national basketball team sa pagsabak nila sa FIBA Mens basketball World Cup na gaganapin sa bansa.
Bagamat wala pang mga petsa ay target nilang isagawa ang tune up games sa Lithuania.
Dito ay makakaharap nila ang Lithuania, Finland at ilang mga basketball team sa Europa.
Bukod pa sa mga European team ay plano din nito na magkaroon ng pocket tournaments sa ilang mga koponan sa Asya.