-- Advertisements --

Hindi pa rin naghihilom ang naging pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Chinese-Taipei noong buwan ng Pebrero sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na ito ang magiging daan para mas lalong maging agresibo sila sa paghaharap nila sa Asia Cup na ginaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Magaganap ang paghaharap nila dakong alas-2 ng madaling ng Miyerkules, Agosto 6 sa King Abdullah Sports City Stadium.

Dagdag pa ni Cone na pinaghahandaan nila ang lahat ng laban sa FIBA Asia Cup.

Magugunitang tinalo ng Chinese Taipei ang Gilas 91-84 noong Pebrero na siyang unang pagkakataon na nagwagi sila sa Gilas mula pa noong 2013.