-- Advertisements --
Nananatiling wala pa ring talo ang Gilas Pilipinas Girls sa 2022 FIBA U18 Womens’ Championship Divison B.
Ito ay matapos na talunin ang Samoa 66-59 sa laro na ginanap sa Koramangala Indoor Stadium sa India.
Hawak ng Gilas Pilipinas Girls ang kalamangan kung saan sa halftime ay umabot pa sa 13 points ang lamang nila 33-20.
Nanguna sa panalo si Kristan Yumul at Sumayah Sugapong na kapwa nagtala ng 25 points.
Susunod na makakaharap nila ang wala pang panalo na Maldives.