-- Advertisements --

Inamin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mataas ang expectation ng national basketball team ng bansa.

Ito ay kasunod ng pag-angat ng kanilang ranking sa FIBA matapos ang dalawang matagumpay na panalo sa unang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sinabi nito na hindi sila nagpapadala sa pressure dahil alam nila na hindi nila mapeperpekto ang panalo sa lahat kung saan may pagkakataon na sila mabibigo sa mga laro.

Sa buwan pa ng Hunyo muli titipunin ni Cone ang mga Gilas Players para sa paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo sa Latvia at ang second window ng Asian Cup qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.