Nagpahayag ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program.
Inaasahan na sa buwan ng Marso ay makikibahagi na si Harris sa mga ensayo ng national basketball team para sa paghahanda nila sa 2023 FIBA World Cup na isa ang Pilipinas sa magiging host.
Sinabi ni SBP President Al Panlilio na nasa tamang landas ngayon si Harris sa pagsali niya sa Gilas Pilipinas program.
Mula sa Marigondon, Cebu si Harris na naninirahan na ngayon sa Nashville, Tennessee.
Labis naman na ikinatuwa ng mga kaanak nito sa Cebu ang pagsali ni Harris sa Gilas Pilipinas basketball team.