-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Gilas Pilipinas ang Tunisia 74-73 sa King Abdullah Cup na ginanap sa Prince Hamzall Hall sa Amman.

Bumida sa panalo ng national team si Ange Kouame na nagtala ng 12 points, limang rebounds at limang assists.

Naging malaking tulong ssi Kouame dahil tinapalan ang pagkuha ng Tunisia ng kalamangan sa huling segundo ng laro.

Nagdagdag naman sng 11 points si Dwight Ramos habang mayroong 10 points si SJ Belangel.

Mayroon ng dalawang panalo at isang talo ang Gilas na kaparehas nila ang Jordan sa Team A habang nangunguna ang Egypt.