-- Advertisements --
Plano ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na panatilihin ang 12 manlalaro na kaniyang napili ng hanggang apat na taon.
Sinabi nito na bukas naman ito sa anumang pagbabago sa pagdaan ng panahon at mga torneo.
Dagdag pa nito na kapag magkasama ng matagal ang mga manlalaro ay makakabisado na ng bawat isa.
Magugunitang pinili ni Cone para sa pagsabak ng Gilas sa mga ilang mga international tournaments sina Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Jamie Malonzo, and June Mar Fajardo, Japan B.League stars Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo at Kai Sotto, UAAP cager Kevin Quiambao, at naturalized player Justin Brownlee.
Una ng itinalaga ng Samahang Basketball ng Pilipinas si Cone bilang permanenteng head coach na ng Gilas Pilipinas.