-- Advertisements --
Naniniwala si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na tuluyan ng mawawala ang kanilang mga injury sina Scottie Thompson at Kai Sotto.
Kasunod ito ng mabigyan na ang dalawa ng clearance ng kanilang mga doctor na makapaglaro.
Sinabi ni Reyes na nakumpleto ang kaniyang manlalaro nitong Linggo at walang limitasyon na nakasali ang dalawa sa ensayo.
Giit nito na kahit na nakasali na ang dalawa sa ensayo ay mahalaga pa rin na makita na tuluyan ng gumaling mula sa kanilang injury ang dalawang manlalaro.
Magugunitang nagtamo ng injury sa kaniyang kamay si Thompson na kaniyang nakuha noong ensayo nila sa Europa habang ang injury ni Sotto ay nakuha niya sa paglahok niya sa NBA Summer League noong mga nakaraang buwan.