-- Advertisements --
Ibinunyag ni Samahang Basketball ng Pilipinas chairman emeritus Manny V. Pangilinan na humingi ng paumanhin sa kaniya si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.
Ito ay matapos na bigo ang national basketball team ng bansa na makaabot sa ikalawang round ng FIBA Basketball World Cup 2023.
Sinabi ni Pangilinan na hindi naman na nito sinagot ang mensahe ni Reyes ng magtala ang Gilas ng walang panalo at tatlong talo sa group stage.
Naniniwala naman ito na ginawa rin ni Reyes ang makakaya para maipanalo ang mga laro nila.