Daan-daang piraso ng taklobo o manlet ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Gaurd sa Balabac, Palawan.
Sa isang statement, nasa kabuuang 336 pieces ng fossilized giant clam shells ang narekober ng mga otoridad sa naturang lugar noong Pebrero 14, 2024.
Sabi ng mga kinauukulan, ito nga ay tinatayang may katumbas na halaga na Php8.1 million.
Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng lokal na pamahalaan ng Balabac, Palawan ang naturang mga giant clams.
Kasaby nito ay muli naman nanawagan ang mga kinauukulan sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pangunguha ng mga endangered giant clams sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998.
Ang sinumang mapapatunayang lumalabag sa naturang kautusan ay pagmumultahin ng hanggang Php3 million at mahaharap din sa pagkakakulong ng hanggang walong taon.