-- Advertisements --
Hindi pinalusot ng Ghana ang South Korea 3-2 sa kanilang paghaharap sa Group H sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Sa unang bahagi ng laro ay umarangkada agad ang Ghana matapos na maitala ang 2-0 na kalamangan sa laro na ginanap sa Education City Stadium.
Pagpasok naman ng second half ng laro ay doon bumawi si Cho-Gue-sung at magkasunod na matagumpay nitong naipasok ang dalawang goal para maitabla ng ranked 28 na Korea sa 2-2 ang laro kontra sa ranked 61 na Ghana.
Sakaling matalo ang Ghana ay laglag na sila World Cup subalit dahil dito ay may tsans pa ang dalawang koponan para susunod round.










