-- Advertisements --
Tiniyak ng Germany na patuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa Ukraine.
Sinabi ni German Chancellor Olaf Scholz, na hanggang kailangan ng tulong Ukraine ay hindi sila hihinto.
Dagdag pa nito na ang Europa at Western democracies ay hindi tatangapin ang anumang madugong atake sa Ukraine.
Ibinahagi din nito na hindi niya makalimutan ang mga nakita niyang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mamamayan ng Ukraine dahil sa ginawang paglusob ng Russia.
Magugunitang bukod sa Germany ay maraming mga bansa sa Europa ang nagtiyak din ng tulong sa Ukraine.