-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naglatag na ng emergency plan ang Germany sakaling mag-iba naman ang desisyon ni Russian President Vladimir Putin at maningil muli ito ng rubles bilang bayad sa kanilang gas supply.
Ito ay kahit kinumpirma na ni German Chancellor Olaf Scholz na tiniyak ni Putin na tatanggapin ng Russia ang bayad na euros o dollars.
Ayon kay Bombo International Correspondent Aimee Hilger direkta sa Germany, hindi nagkukumpyansa ang Berlin at naglabas na ng early warning sa publiko hinggil sa posibleng kakulangan ng gas sakaling mag-iba ng desisyon si Putin.
Sa ngayon anya, sapat ang gas sa nasabing bansa ngunit nanawagan ang gobyerno na tipirin ito.