-- Advertisements --

Inaresto ang mga otoridad sa Germany ang isang opisyal dahil umano sa pagbibigay ng sensitibong impormasyon sa Russia.

Kinilala lamang ito sa pangalang Thomas H dahil sa privacy rules ng Germany.

Ayon sa mga otoridad ay nagtrabaho ang suspek sa isang military equipment at information technology.

Nagtungo ito sa Russian embassy sa Berlin at consulate sa Bonn City at dito inalok niya ang kaniyang serbisyo.

Sinabi ni Justice Minister Marco Buschmann na nakakulong na ang suspek at itinakda sa mga susunod na araw ang pagdinig sa kaso nito.