-- Advertisements --
DAVAO CITY – Arestado ang isang German national dahil sa hindi nito pagsuot ng facemask bumaba-biyahe sa mga kalsada ng Davao City nitong araw.
Kinilala ang naareso na si “Jochen,” 65, na nakatira sa Brgy. Cabantian.
Batay sa ulat, hindi sinunod ng dayuhan ang ipinatutupad na Executive Order No. 23 ng lungsod kung saan mahigpit ang obserbasyon sa paggamit ng face masks.
Bahagyang nanlaban pa raw ang German national sa mga otoridad nang sinita ito sa quarantine control point sa bahagi ng Tigatto road.
Wala naman maipakitang dokumento sa kanyang minamanehong motor ang foreigner dahil expired na ang lisensya nito.