Muling inatake ng bell’s palsy ang aktor na si Gerard Pizarras, ayon sa kanyang asawang si Jan Marini. Ang insidente ay naganap noong Hunyo 20, na ayon sa kanya pangalawang beses nang nangyari simula noong Hulyo 31, 2004.
Dahil dito, kanang bahagi ni Gerard ang naapektuhan na hindi tulad noon na kaliwang bahagi ng kanyang mukha ang naparalisa. Batay sa mga heath experts, ang bell’s palsy ay isang biglaang panghihina o pagkaparalisa ng muscles sa mukha na nagdudulot ng pagtabingi nito.
Ayon pa sa Instagram story ni Jan, naging makahulugan sa kanilang pamilya ang numerong 21—dahil habang tumagal ng isa’t kalahating buwan ang unang recovery ni Gerard, sa ikalawang pagkakataon ay gumaling sa loob lamang ng 21 araw.
Bagama’t hindi malinaw ang sanhi ng muling pag-atake, sinabi ni Jan na pinili nilang harapin ito sa positibong paraan—tuloy ang normal na pamumuhay, exercise, dance challenge, at holistic treatments tulad ng acupuncture, tatlong beses kada linggo.