Excited ang aktor na si Geoff Eigenmann sa bagong kabanatang haharapin nila ng singer at girlfriend niyang si Maya Flores.

Nabatid na mismong si Eigenmann ang nag-anusyo sa engagement nila ni Flores kahapon.

Sa ngayon ay two years old na ang panganay nila na si Arabella, habang baby girl ule ang ipinagbubuntis ni Maya.

“From my girlfriend, to now my fiancé😁 a new chapter begins,” caption ng 34-year-old actor sa larawan kung saan makikitang suot ni Flores ang engagement ring.

Sa panig naman ng bride to be, “It just got real! Like… diamond real..😁 I said YES!πŸ’ All ready to head off on a life long trip to a bright future together.”

Taong 2017 nang magsimula ang love story ng future husband and wife.

Kung maaalala, si Geoff ay ay dating boyfriend ni Carla Abellana na kasalukuyang “in a relationship” naman sa celebrity ding si Tom Rodriguez.