Iginiit ng opisyal ng National Security Council (NSC) na hindi susuportahan ng Pilipinas ang umano’y kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China para tangalin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea dahil ito ay nakakapinsala sa national interest ng bansa.
Ayon kay NSC Asst. Director General at National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya, ang claim ni dating Presidnetial spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng gentleman’s agreement si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping para tanggalin ang warship mula sa piangaagawang shoal ay panghihimasok at paglabag sa ating soberaniya bilang isang nasyon kung sakaling nagkaroon talaga ng kasunduan.
Saad pa ng opisyal na wala silang nakita ang National Task Force on West PH Sea na anumang dokumento mula sa dating adminsitrasyon para makumpirma na nagkaroon nga ng tinatawag na gentleman’s agreement at ang mga kondisyon ng naturang kasunduan sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Hindi din aniya nakagapos ang Marcos Jr. administration sa ganoong kasunduan dahil nakakasira ito sa pambansang interes.
Sakali man din aniya na mayroon ngang kasunduan, una ng sinabi ni Pangulong Fedinand Marcos Jr. na kaniya na itong binabawi.
Matatandaan kahapon, nang isiwalat ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na nagkaroon umano ng getleman’s agreement sina Duterte at Xi na tanggalin ang BRP Sierra Nadre mula sa Ayungin shoal para mapabuti ang bilateral relations ng 2 bansa sa gitna ng magkasalungat na territorial claims sa pinagtatalunang karagatan.