-- Advertisements --
NEW YORK – Muling nabawi ni Gennady Golovkin ang kanyang dati nang middleweight titles matapos talunin si Sergiy Derevyanchenko via unanimous decision.
Sa kanyang panalo, nasungkit muli ni Golovkin ang IBF championship belt.
Una rito, pinabagsak ni Golovkin si Derevyanchenko sa unang round pa lamang ng kanilang bakbakan.
Pagsapit ng ikalawang round, nagawa ni Golovkin na masugatan ang kanang bahagi ng mata ni Derevyanchenko.
Simula doon ay napuruhan na si Derevyanchenko mula sa mga pinakawalang mabagsik na suntok ni Golovkin.
Sapat ito para manalo ang longtime middleweight ruler sa score na 115-112 sa dalawang hurado at 114-113 naman sa isa.
Dahil dito, nabawi ni Golovkin ang belt na nabitawan naman ni Canelo Alvarez.










