-- Advertisements --
LAOAG CITY – Pinarangalan ni PNP chief Guillermo Eleazar ang lahat ng kasapi ng PNP sa buong Ilocos Norte sa pagbisita niya sa lalawigan.
Ito ay dahil sa pagkaaresto ng mga kasapi ng PNP sa lalawigan sa isang drug courier mula sa Quezon City.
Sa nasabing operasyon ay nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit P5.2 milyong halaga ng shabu.
Samantala sa talumpati ni Eleazar sa Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), muli niyang binalaan ang mga kasapi ng PNP na lumalabag sa batas na kailanman ay hindi niya ito palalampasin.
Inalala ni Eleazar ang simpleng order ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nanumpa siya bilang ika-26 na PNP chief sa bansa na gawin niya ang tama at legal na siyang ginagawa niya sa pamumuno niya sa PNP.