-- Advertisements --

Kumbensido ang beteranong ekonomista at House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na kayang-kaya pa ng Pilipinas na mahigitan ang GDP projection ng credit benchmaker na Moody’s Analytics para sa bansa.

Una rito, sinabi ng Moody’s Analytics na ang GDP growth outlook nila para sa Pilipinas ay kanilang itinaas sa 6.2 percent para sa taong 2021 mula sa nauna nilang inasahan na 5.6 perceng lamang.


Ayon kay Salceda, lumalabas sa Foreign Direct Investments (FDIs) noong Nobyembre na ang bansa ay unti-unti nang nakakabalik sa pre-pandemic investment levels nito.

Gayunman, maari aniyang bumuti pa ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa kapag mapanatili ang developments na ito kapag lumabas na rin ang datos para sa FDI noong Disyembre.

Sa ngayon, sinabi ng kongresista na nakikipag-ugnayan ang Kamara sa Gabinete sa pagbalangkas ng transitional Strategic Investment Priorities Plan para makapag-avail na ang iba’t ibang industriya ng tax incentives sa ilalim ng CREATE Law.

Kapag mangyari ito, sinabi ni Salceda na mapapawi ang mga pangamba ng mga investors na nais mamuhunan sa Pilipinas.

Samantala, bagama’t makakatulong din sa ekonomiya ang paggastos para sa halalan, hindi naman ito inaasahang magiging marginal.

Pero apela niya sa Commission on Elections na ilibre na sa election spending ban ang social welfare at aid programs para mabilis namang maka-ahon sa epekto ng pandemya ngayong taon ang mga apektadong pamilya.