-- Advertisements --

Muli umanong irerekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim pa rin ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) matapos ang Hulyo 31.

Ayon kay Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim, suportado naman daw ng Metro Manila mayors ang nais ng IATF na muling isailalim ang Metro Manila sa GCQ.

Itinanggi naman ni Lim ang mga lumabas na balitang ipinanukala ng mga Metro mayors na isailalim ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Aniya, wala raw inputs ang mga alkalde noong nagpulong sila kagabi para ibalik sa MECQ ang mga lugar sa Metro Manila dahil pa rin sa mataas na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mamayang gabi, asahang maglalabas ang Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong guidelines sa community quarantine sa bansa.