Gazini with dad
“SURREAL. Ever since I was a little girl, i have always heard the stories of how my mom and dad first met. The year was 1990. Venue, Shakey’s Pizza Parlor.
Now here I am, 30years later.. The Year 2020. Shakey’s. Having my very first dinner date with my DAD!”

Nagkaroon agad ng dinner date si 2019 Miss Universe-Philippines Gazini Ganados sa unang beses na pagkikita nila ng amang Palestinian.

Sa kanyang online post, kumaen sila sa parehong restaurant kung saan din nagsimula ang love story ng mga magulang.

Ang 24-year-old Fil-Palestinian model ay ipinanganak sa Dapitan City sa Zamboanga pero lumaki sa Cebu.

Nag-iisa siyang anak ng kanyang single mother at una nang inamin na pangarap niyang makilala ang dayuhang ama.

Dahil dito kaya lumaking malapit sa kanyang mga lolo at lola si Ganados na naging dahilan upang piliin niya ang mga matatatanda sa kanyang advocacy noong maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe.

Kung maaalala, bigo si Gazini na maibigay ang back-to-back win sa Pilipinas kasunod ni Catriona Magnayon Gray kung saan nagtapos lamang ito sa Top 20 ng Miss Universe 2019.

“To all the Filipinos out there, maraming, maraming salamat po, and I hope that I made you proud as I did my best in the international arena. It was nerve-wracking but it was fulfilling at the same time,” ani Ganados.