Gazini coronation won special award

Mismong ang Miss Universe Organization (MUO) ang nagkumpirma na ang Pinay candidate na si Gazini Ganados ang nagwagi sa national costume competition.

Ito’y matapos maging maingay muli sa online world ang American host na si Steve Harvey dahil sa sinasabing naulit na “wow mali” moment sa coronation ng 68th Miss Universe kanina sa Atlanta, Georgia.

Nai-flash kasi sa screen ay mga larawan ni Ganados bilang winner sa nasabing special award, pero ang katabi nito ay si Miss Malaysia na suot ang2 8kg “Peranakan-art piece” kung saan karga ang tray ng tanyag sa kanila na rice balls dessert.

Miss Malaysia Universe national costume

Kung maaalala, “standout” sa preliminary competition ang 23-year-old half Palestinian beauty na ipinanganak sa Zamboanga dahil sa kanyang national costume na gawa ng kababayan niyang Cebuana designer na si Cary Santiago.

Ito ay eagle-inspired sa headpiece, habang may dalawang ibon sa sleeves ng damit.

Unang naging kontrobersyal si Harvey noong 2015 matapos ianunsyo bilang Miss Universe ang Colombia, gayong si Pia Wurtbach pala ang totoong panalo.

“See, what’s that they did to me the last time,” saad ni Harvey.

Gayunman, wala pa itong reaksyon kasunod ng paglilinaw ng MUO.