Tinangihan ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian ang panukala ni Senator Alan Peter Cayetano na magkaroon ng interim “joint-signatory” arrangement sa paghawak ng administrative functions ng Senado.
Nabatid na iminungkahi ni Cayetano ang isang dual-signatory o joint certification system kung saan magkasamang pipirma sina Gatchalian at Cayetano sa mga opisyal na dokumento tulad ng disbursement vouchers, kontrata, at personnel actions.
Layunin sana nito na matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng Senado habang may umiinit na usapin sa liderato at kasabay ng paghahanda para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pero tinanggihan daw ito ni Gatchalian, at iginiit na hindi na ito dapat ipatupad.
Pero ayon kay Cayetano, ang patuloy na alitan sa liderato ay posibleng makaapekto sa operasyon ng Senado at sa trabaho ng impeachment court.
Samantala, nanindigan ang House prosecution team na hindi na nila kailangang magsumite ng formal reply sa sagot ni Vice President Sara Duterte sa impeachment case.
Iginiit ng mga prosekutor na walang malinaw na factual narrative si Duterte na direktang sumasagot sa mga paratang, kabilang ang umano’y maling paggamit ng mahigit P612 milyong confidential funds, bribery, unexplained wealth, at grave threats.
Ayon pa sa kanila, ang sagot ng Bise Presidente ay mas nakatuon sa mga isyung legal at procedural kaysa sa mismong mga akusasyon.
















