Lumago sa unang 11 buwan ng 2023 ang gastos ng gobyerno sa imprastraktura na umabot sa P1-trillion na nagmarka ng P159.8-bilyon o 18.5% na pagtaas mula sa P861.8 bilyon kung ikukumpara noong 2022, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang naturang paglago ay kaugnay ng disbursements na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga priority project nito at capital outlays kabilang ang construction, rehabilitation, at improvement ng mga kalsada at tulay at flood control structures.
Binanggit din ng DBM ang pagpapatupad ng mga foreign-assisted rail transport projects ng Department of Transportation (DOTr).
Para sa taong 2024, ang gobyerno ay naglaan ng P1.510 trilyon para sa mga gastusin sa imprastraktura. Mas mataas ito ng P180 milyon kumpara sa P1.130 trilyon na inilaan para sa imprastraktura noong nakaraang taon, at katumbas ng 5.5% ng projected gross domestic product (GDP) para sa kasalukuyang taon.