-- Advertisements --

Sinalungat ni Iloilo Rep. Janette Garin ang pahayag ni Department of Health (DOH) Usec. Eric Domingo na walang epekto ang paggamit muli ng Dengvaxia vaccines sa dengue na kasalukuyang ikinokonsidera na bilang epidemya.

Ayon kay Garin, maling sabihin na walang epekto ang paggamit uli ng naturang bakuna sa nararanasang pagtaas ng bilang ng dengue cases sa bansa.

Iginiit ni Garin na ang paggamit ng Dengvaxia ay isang preventive measure at sa paraan na ito ay maiiwasan nang mangyari sa hinaharap ang pagkakaroon ng outbreak.

Kung tutuusin, matagal na aniyang nakita ng medical community kabilang na ang World Health Organization ang pagkakaroon ng dengue outbreak kaya nga ipinatupad ang Dengvaxia vaccination sa mga nakalipas na taon.

Nananawagan ang kongresista kay Domingo na isantabi na ang biases nito, bagkus ay tumulong na lamang sa pagsagip ng buhay ng mga may dengue.

“People are dying, the virus is spreading. Implementation doesn’t have to be mass immunization. If they don’t want to give it to the poor, they can at least make it available to private doctors and individuals who are willing to shoulder the cost. That way it lessens the number of vulnerable dengue victims,” ani Garin.