-- Advertisements --

ILOILO CITY – Todo paliwanag si Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa kanyang pag-nominate kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., bilang House Speaker.

Si Abante ay nakatunggali ni Taguig City-Pateros Representative Alan Peter Cayetano sa House Speakership race.

Sa huli, nanalo si Cayetano sa botong 266 at nakakuha lamang ng 28 na boto si Abante.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na kanyang sinuportahan si Abante na miyembro ng National Unity Party kahit na kasapi siya ng Nacionalista Party dahil nais nitong mapasama sa minorya.

Ayon kay Garin, nais nitong mahimay ng mabuti ang mga ipapasang batas at magagawa lang niya ito kung magiging kasapi siya ng minority.

Ani Garin, mas pinakikinggan ang mga mambabatas na kasapi ng minority bago magsalita ang mga myembro ng mayorya sa Kamara.

Napag-alaman na si Abante ay siyang napili bilang minority leader sa House of Representatives.