-- Advertisements --

Nagbabala si Haitian gang leader Jimmy Cherizier na maglulunsad sila ng civil war kapag hindi bumaba sa pwesto si Haiti Prime Minister Ariel Henry. 

Ang gang ni Cherizier ang nasa likod ng mga gang assault at violent clashes sa capital city ng Haiti na naging dahilan para masira ang linya ng komunikasyon at makatakas ang libo-libong bilanggo. 

Sa pahayag ni Cherizier sa midya, sinabi nitong kapag hindi bumaba sa pwesto si Henry at kapag nagpatuloy ang suporta ng international community sa kaniya, maglulunsad daw sila ng civil war na maaaring magbunga ng genocide sa bansa. 

Ayon sa tagapagsalita ng United Nations, hindi bababa sa 15,000 katao na ang inilikas dahil sa nangyayaring kaguluhan sa capital city ng Haiti na Port-Au Prince. 

Matatandaan na nagdeklara na ng state of emergency at nighttime curfew ang pamahalaan ng Haiti.