-- Advertisements --

Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Game 6 PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts ngayong gabi.

Ito ay matapos ang naganap na sunog sa katabing gusali ng Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan gaganapin ang nasabing laro.

Ayon sa PBA na inaalala nila ang kaligtasan ng mga manonood at mga manlalaro kaya nagpasya ang mga ito na kanselahin na lamang ang laro.

Tiniyak naman nila na kanilang ibabalik ang bayad ng mga nakabili na ng tickets para sa nasabing laro.

Nauna rito ay ipinagpaliban na rin ng PBA ang 3×3 Basketball events.
Magugunitang hawak ng Gin Kings ang 3-2 na kalamangan sa best of seven finals nila ng Bolts.