-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mariing tinututulan sa Gabriela Partylist ang ginawang people’s initiative upang amiyendahan sa Saligang batas o charter change.

Ito ay dahil sa mga alegasyong ginamit na ang pondo sa gobyerno kagaya sa AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Department of Social Welfare and Development aupang makakuha lang ng lagda sa tao.

Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas hindi na umano people’s initiative kung pilitin ang tao sa paglagda.

Ayon sa datus na 79 porsiento sa taong bayan ang hindi nakaalam sa 1987 constitution dahilang may problema na sa nasabing hakbang.

Sa pananaw ni Congresswoman Brosas hindi kailangang baguhin ang batas dahil ang kailangan ng tao ay pagbabago sa mataas na presyo sa nag-unang bilihin, pagpataas sa sahod at paggawa ng maraming trabaho.

Kaugnay nito at kailangan umanong may imbestigasyon nagagawin sa nasabing signature campaign sa pamamagitan sa inihain nilang House Resolution number 1541.