-- Advertisements --
sugar

Binatikos ng Gabriela partylist ang plano ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na mag import ng mga asukal dahil anila, ito ay magsasabotahe sa local sugar industry.

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene D. Brosas, ang pagpayag ng gobyerno na mag import ng 440,000 metric tons ng refined sugar ay magkakaroon ng malaking epekto sa local sugar industry at ito ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng trabaho ng libo libong sugar farmers at mang gagawa ng bansa.

Dagdag pa niya, nakita na umano ang epekto ng sobra sobrang importasyon ng agricultural products sa mga rice farmers sa administrasyong Duterte matapos ipasa ang Rice Liberalization Law at ngayon naman sa administrasyong Marcos ay local sugar industry ang lubos na maapektohan.

Matatandaan na noong December 15,2022 ang Central Azucarera Don Pedro Inc., ang pangalawa sa pinakamalaking supplier ng asukal sa Luzon ay nagsara dahil sa operational at financial challenges.

Iminungkahi ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene D. Brosas na ang pinaka epektibong solusyon umano rito ay ang ang pagbibigay ng subsidiya para sa operasyon ng mga sugarcane planters.

Samantala, nagsumite ng House Resolution 785 ang Gabriela Women’s Party upang magsagawa ng inquiry patungkol sa pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. at ang epekto nito sa sugar workers at farmers sa Batangas.