-- Advertisements --

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang Games and Amusement Board (GAB) sa alegasyon ng paglabag sa medical guidelines ni Filipino boxer John Riel Casimero.

Hindi kasi pinayagan ng British Boxing Board of Control si Casimero sa laban niya kay Paul Butler sa darating na Abril 23 sa Liverpool England matapos na madiskubre na gumamit ito ng sauna para mapabilis na mapababa ang timbang nito.

Dahil dito ay ipinalit ng WBO si PInoy boxer Jonas Sultan.

Mula kasi ng dumating sa United Kingdom ang 33-anyos na boksingero ay binantayan na ng BBboC ang kaniyang timbang kung saan ikinagulat nila na sa loob ng tatlong araw ay nabawasan ito ng 10 libra.

Ayon kay GAB chairman Baham Mitra na kaniyang inatasan ang boxing at ilang contact sports division an imbestigahan ang nasabing usapin.

Agad nilang ipapatawag ang kampo ni Casimero para malinawan ang nasabing usapin.

Nauna na ring pinapasagot ng WBO si Casimero sa loob ng 48 para hindi nila hubarin ang kaniyang titulo.

Noong Disyembre 2021 pa sana niya idedepensa ang laban nito kay Butler sa Dubai subalit dumanas ito ng gastritis kaya hindi ito natuloy.