-- Advertisements --
image 32

Nakatakdang magsagawa ng summit ang mga lider ng Group of Seven (G7) sa buwan ng Mayo.

Si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang magiging host ng isasagawang summit ng G7 leaders sa Hiroshima kung saan isusulong nito ang international agenda kung saan malaya mula sa pagagamit ng mapanganib na nuclear weapons ang ating ginagalawang mundo.

Inaasahan din sa isasagawang G7 summit ang pagpapatibay ng mga miyembro ng suporta at pagkakaisa para sa Ukraine at ang usapin may kinalaman sa climate change at krisis sa pagkain at nerhiya.