-- Advertisements --

Magpapahinga muna pansamantala si Tyson Fury matapos ang panalo niya kay Deontay Wilder bago sumabak muli sa boxing.

Ayon sa 33-anyos na British boxer na paghahandaan niya ang potensiyal na unification fight ng WBA, IBF at WBO fight kay Oleksandr Usyk o sa kapwa Briton na si Anthony Joshua.

Magugunitang pinatumba ng 6 ft. 9in si Wilder sa loob ng 11th round.

Bago ito ay dalawang beses siyang pinatumba ni Wilder subalit nakabangon ito at naka-recover.

Ito na ang pangatlong paghaharap ng dalawa at dahil sa panalo ay mayroon ng 31 panalo, wala pang talo at 1 draw na mayroong 22 knockouts si Fury habang si Wilder ay mayroong 42 panalo, dalawang talo, isang draw at 41 knockouts.