-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na iniatang na sa kanilang balikat ang mga functions ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sa isang statement na inilabas ng NDRRMC nagpaliwanag ito na inilapat na raw sa kanila ng Malacanang ang mga ginagawa ng NTF para daw magkaroon ng streamline sa pandemic response ng gobyerno

Habang pagdating naman daw sa isyu ng vaccination programs ay tanging hahawak naman nito ay ang DOH.

Kung maalala ang National Task Force Against COVID-19 ay binuo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang siyang mamahala sa operasyon at national response laban sa pandemya.

Ito ang nagsasagawa ng implementasyon ng National Action Plan Against COVID-19 sa nakalipas na mahigit na dalawang taon sa pamamagitan ng government’s pandemic policymaking body, na Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Una nang sinabi ni Ricardo Jalad, ang NDRRMC’s executive director, na handa naman silang akuin ang trabaho ng NTF.

Paliwanag nito ang NTF noon ay NDRRMC din naman dahil pare-pareho rin ang mga bumubuong mga ahensya.

Inihalimbawa nito na ang chairperson ng NTF ay ang chairperson din ng NDRRMC na si dating Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kung maalala sa nakalipas na administrasyon halos 70.7 million mamamayan sa Pilipinas ang naging fully vaccinated laban sa COVID-19 habang mahigit pa lamang sa 15 million ang nakatanggap ng kanilang booster shot.