-- Advertisements --

Nais ng Brunei diplomat na itinalaga ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang special envoy sa Myanmar na magkaroon ng full access sa lahat ng partido kapag siya ay bibisita sa bansa kasunod ng nangyaring coup d’etat kamakailan.

Pero tumanggi naman si Erywan Yusof na sabihin ang petsa nang kanyang pagdalaw sa Myanmar, na ang lider na si Aung San Suu Kyi at iba pang opisyal ay kasalukuyang nakakulong mula noong Pebrero 1.

Si Erywan ay inatasan na pangunahan ang humanitarian aid, wakasan ang karahasan sa Myanmar, at buksan ang dayalogo sa pagitan ng mga military rulers at mga kalaban sa bansa.

“The planned visit to Myanmar is in the pipeline, and what we need to do is make sure we’re well prepared when we go there, unlike the visit I had in June,” ani Erywan.

Umaasa si Erywan na mangyari ang inaasahan niyang malalimang diskusyon sa pagbisita niya sa Myanmar.

Magugunita na tutol ang mga civil society groups sa Myanmar sa pagkakatalaga kay Erywan.

Dapat anila ay kinunsulta mula ng ASEAN ang mga kalaban ng junta at iba pang partido hinggil dito.