-- Advertisements --
Magsisimula sa Hulyo 1 ang paniningil ng aricraft fuel surcharge ng mga pampasaherong eroplano sa bansa.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na ang matrix na inilabas noong June 20 ay ipapatupad na sa susunod na buwan at magiging epektibo ng hanggan Hulyo 30.
Ipapatupad ito sa mga domesitc flights at internaitonal flights na galing sa Pilipinas.
Isa sa naging malaking factors nito ay ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.
Base sa kanilang listahan na maaring aabot ang fuel surcharge ng P355 hanggang P1,038 kada pasahero sa one-way domestic flight at mula P1,172 hanggang P8,714.84 para sa international flights mula Pilipinas.









