-- Advertisements --
Nagtapos sa draw 1-1 ang friendly game ng Philippine women’s football team na Filipinas kontra Chile.
Unang nakapagtala ng puntos ang team captain ng Filipinas na si Hali Long sa 28th minute sa laro na ginaap sa Estadio Sausalito.
Nakabawi ang Chile sa pamamagitan ng goal ni Keefe Navarro sa anim na minutong natitira.
Ito ang unang pagkakataon na paghaharap ng ranked 38th na Chile at ranked 53 na Filipinas.
Muling maghaharap ang dalawa sa Nobyembre 15 sa Municipal de La Pintana.