-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si French Prime Minister Elisabeth Borne matapos ang pamumuno ng halos dalawang taon.
Ang nasabing pagbibitiw niya ay kasunod ng naging kautusan ni President Emmanuel Macron na magsagawa ng balasahan sa kaniyang gabinete.
Pinuri naman ni Macron ang naging magandang serbisyo ni Borne.
Mananatili muna sa puwesto si Borne hanggang mayroong bagong Prime Minister na ipapalit sa kaniya.