-- Advertisements --

Nanguna ang French pop-rock band na Phoenix sa magtatanghal sa Wanderland music festival sa Marso 2023.

Ang banda na may kantang pinasikat na “1901” at “LIsztomania” ay kakanta sa dalawang araw na music fest na gaganapin mula Marso 4 at 5 sa Filinvest City Events Grounds sa Muntinlupa City.

Ang banda na binubuo nina Thomas Mars, Deck D’Arcy, Christian Mazzalai at Laurent Brancowitz ay nagsagawa na ng show sa Manila noong 2014 at 2017.

Isa lamang ang banda sa 11 artists na napili sa pagbabalik ng nasabing musicfest na natigil ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.