-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si French Football Federation president Noel le Graet dahil sa akusasyon sa organisasyon nito ng sexual harrasment.

Isinagawa nito ang pagbibitiw matapos ang isang buwan ng magsawa ng audit ang gobyerno ng France sa nasabing federation.

Pinagbawalan din ang 81-anyos na si Le Graet na makabalik sa kaniyang tungkulin.

Noong Enero 2022 ay itinalaga ni FIFA president Gianni Infantino si Le Graet sa bagong opisina sa Paris.

Mariing pinabulaanan ni Le Graet ang alegasyon ng sexual harrasment ng mga kababaihan.