-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang French fashion designer na si Thierry Mugler sa edad 73.

HIndi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Siya ang gumawa ng mga damit na sinuot ng mga singer na sina David Bowie at Lady Gaga.

Gumawa rin siya ng maraming stage costumes para kay Beyonce noong 2019 na desenyo ni Kim Kardashian sa Met Gala.

Matapos ang ilang taon ay nakilala siya sa paggawa ng pabango gaya ng Angel and Alien.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa mga international celebrities at mga fashion designers matapo sna mabalitaan ang pagpanaw ni Mugler.