-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na French fashion designer na si Emanuel Ungaro, 86.

Taong 1960 ng ilunsad niya ang sariling fashion house na itinuturing na “sensual obsessive.”

Anak siya ng isang Italian immigrants na nagsanay sa ilalim ni Spanish designer Cristobal Balenciaga.

Nagretiro ito noong 2005 at ibinenta ang kaniyang brand.

Noong 20-anyos pa lamang ito ay inilunsad na niya ang kaniyang career sa fashion.